~ MULA SA BAUL
~
by Ang Mang-aawit
"Ang Pilipina at ang
Binibining Pilipinas"
PART II
Alam
ba ninyo na nang matapos ang Miss Universe 1976 ay sangkatutak
na mga Pilipino ang galit kay Elizabeth de Padua dahil
hindi siya nakuha bilang semi-finalist (Top 12) sa taong iyon
ng Miss Universe na ginanap sa Hongkong? Halos lahat kaming
mga "pageant fans" ay muntik nang maghuramentado at inaabangan
ang pagbaba ni Elizabeth sa Manila International Airport para
batuhin ito ng bulok na kamatis nang dahil lamang sa
kapalpakan niya sa Hongkong! Malamang sasabihin ninyo ngayon
na napakalupit naming mga "pageant fans" noong panahong 'yon
pero masisisi n'yo ba kami kung ganu'n ang aming naging
reaksyon?
Ganito kasi 'yon . . .
Napakahusay at napakagaling talaga ng Pilipina
noong mga panahong iyon. Parang Miss Venezuela ngayon ang
success rate ng Miss Philippines noon. Biruin ninyo, 1967
ay naging semifinalist si Nini Ramos sa Miss
International. Sinundan ito ng magandang performance ni
Binky Montinola sa 1968. Pagkatapos, dumating ang 1969
na kung saan ay hinirang si Gloria Diaz bilang Miss
Universe ng taong iyon. MISS UNIVERSE!
M-I-S-S---U-N-I-V-E-R-S-E-! E, Diyos ko naman! Isa sa mga
mahalagang taon ang 1969 dahil sa "moon landing" ng Amerika
kung kaya't hinding-hindi talaga makakalimutan si Gloria at
ang kanyang pagkapanalo sa MU. E, talaga namang "may I
celebrate to death" kaming mga "pageant fans" noong taong ito
dahil siyempre, naging Miss Universe nga ang Pinay! Sa awa ng
Diyos ay hindi naman ito naging huling "victory" ng Pilipinas
dahil nasundan pa ito ng isa pang korona sa sumunod na taon.
Aba'y naging Miss International ang magandang Ilonggang si
Aurora "Au-au" Pijuan! Diyos ko naman! Ayaw talagang
paawat ang Pinay! Pagkatapos, naging mga placers pa ang mga
sumunod na kandidata ng Pilipinas tulad nina Evelyn
Camus (1971 Miss International), Yolanda Dominguez
(1972 Miss International) at Evangeline Reyes (Miss
World 1972).
Akala naming mga "pageant fans" ay tapos
na ang mga maliligayang araw namin pero, mga kapatid . . .
hindi! The following year ay naging Miss Universe na naman ang
Pilipinas in the person of Margarita Moran, naging 1st
RU si Evangeline Pascual sa Miss World (although hindi
pa hawak ng BPCI ang MW-Philippines franchise dahil taga-Miss
Republic of the Philippines pa ang winner ng MW at this time
at saka sinundan pa ito ng Mutya ng Pilipinas hanggang 1990
bago napunta sa BPCI the following year), Ist RU si Nanette
Prodigalidad sa Miss Maja at 4th RU si Marilen
Ojeda sa Miss International. Tingnan n'yo naman, mga
kapatid! Sinong "pageant fan" ang hindi maloloka sa tagumpay
ng mga Pilipina natin sa panahong ito? During this time,
damang-dama namin ang tunay na galak at tuwa ng isang pagiging
"pageant fan". Parang napapawi ang hirap at pagod mo sa
pagsusuporta ng 'yong kandidata.
At dahil masaya ang
lahat ng Pinoy sa performance ng Pilipina sa international
arena ay ginanap naman ang Miss Universe dito sa Pilipinas
bilang isang pagdiriwang ng dalagang Pilipina. Ito'y
pinamunuan ni dating First Lady Imelda Romualdez
Marcos. Diyos ko! Napaka-bongga talaga ng reception ng
Pilipinas sa mga MU delegates. Biruin ninyo, ang Folk Arts
Theater ay ipinundar sa loob lamang ng 72 days! At ang
Baranggay Day . . . Diyos ko! Ang mga delegates ay pinatira sa
mga pamamahay ng mga mayayamang Pilipino natin! Ang
preliminary swimsuit segment ay ginawa pa sa Westin Philippine
Plaza na siyang ubod ng ganda noong panahong iyon. Ang
backdrop ng stage ng Miss Universe ay may mga "mother of
pearl" designs. Si Bob Barker at ang majority ng mga male
judges ay napasuot ni Mdme. Imelda ng barong-tagalog; maging
sa mga kababaihan ay naka-mestiza dresses naman sila.
Napakahusay din ng format ng Miss Universe. Nagpakitang gilas
ang mga top PMA'ers batin bilang mga escorts, maging ang mga
usherettes ng pageant. Ang "Pangkat Kawayan" ay
napaka-inventive ng dating at napaka-sosyal naman ng "Singkil"
na talagang ikinatuwa ng mga dayuhan. ALL IN ALL, IT WAS A
STUDIED REFLECTION OF TRUE FILIPINISM. Kaya ang tema ng
Miss Universe 1974 ay "Filipiniana". Ang husay talaga ni Mdme.
Imelda na mag-organize ng pageant. At meron pa! Ang Miss
Universe ay may special prize na galing kay Mdme. Imelda.
Ito'y ang "Maria Clara" statue na kung saan ay ginawa mula sa
3,700 Philippine shells! Ganito ka-"bongga" ang Miss Universe
noon sa Pilipinas, mga kapatid! Napakagara! IT WAS ONE OF
THOSE MOMENTS WHERE YOU TRULY FELT PROUD AS A FILIPINO! Walang
ibinatbat ang 1994 edition natin dahil "low-budgeted" na 'yon,
'ika nga. Pati nga si Gloria Diaz ay medyo naging
"low-budgeted" na rin ang dating sa taong 1994 dahil
nasobrahan naman ito sa pagiging natural at simple. Ni isang
katiting na perlas na hikaw ay walang isinuot ang dating Miss
Universe. Sana'y pinahiram na lamang siya ni Armida
Siguion-Reyna ng mga alahas sa mga sandaling 'yon nang sa
ganu'n nama'y hindi siya nagmukhang kawawa. Ipinagtabi pa
naman siya kay Margie Moran na napakaglamorosa ng dating, 'di
ba?
Anyway, 1974 ay naging semifinalist si Guada
Sanchez sa Miss Universe at sinundan pa ito ng 4th RU
placement ni Chiqui Brosas sa El Salvador naman sa
taong 1975. Tapos, bigla na lamang naputol ang lahat ng mga
kasiyahan naming mga "pageant fans" nang hindi makuha si
Elizabeth bilang semifinalist sa MU 1976. Diyos ko naman! Sa'n
ba nagkamali ang bruha? Sa Hongkong pa man din ang MU, e nasa
Asia din naman 'yan ano? Aba'y kokonti lang naman ang
ipinagkaiba ng kultura ng mga Intsik sa mga Intsik sa
Pilipinas a. Eh, baket? Hindi ba nakiusisa si Elizabeth sa
"Ongpin" o "Chinatown" ng Maynila? Matalino naman ang bata
dahil Summa Cum Laude ito sa UP, ano? Grrrr!
Mula sa taong 1976 hanggang sa
mga sumunod pang mga taon ay unti-unti nang nawala ang kinang
ng isang Pilipina sa MU. Kaya, sa Miss International na lamang
na medyo nag-"concentrate" ang mga "pageant fans". At hayun!
Nanalo nga si Melanie Marquez sa taong 1979. Subalit,
sa mga nagdaang taon ay unti-unti nang naglaho ang bango ng
Pilipina sa Miss Universe at Miss World. Naging "hit or miss"
na tuloy ang sistema ng Philippine pageant industry sa pagpili
ng mga winners. Sa kasamaang palad ay dito na nag-umpisang
sumulpot ang mga nananalong binibini na mga mukhang yaya,
labandera, komedyante, istapadora, garutay, atbp.
Sa
pagsapit ng mid-90's ay unti-unti na ring nawala ang kinang ng
Pilipina sa Miss International kung kaya't nag-umpisa na ring
sumali ang Pilipina sa mga minor pageants. Sa awa ng Diyos ay
nananalo naman tayo. Itinanghal si Joanne Santos bilang
Miss Tourism International (Macau Version) noong 1997, si
Maricar Balagtas bilang Miss Globe 2001, si Michelle
Reyes bilang Miss Tourism World 2002, si Tintin
Alzar bilang Miss Tourism Intl (Black Sea) noong 2002 at
marami pang iba.
Ngayon, eto ang mga katanungan: Paano
na kaya kung tuluyan na rin mawala ang kinang ng Pilipina sa
mga minor pageants na sinasalihan nito? Saan pupulutin ang
bagong Pilipina? Ano ang magiging kahihinatnan ng ating
Philippine beauty industry? Babalik na rin ba kaya tayo sa
pang-"sitio" o pang-"baranggay" na patimpalak? Diyos ko! H'wag
naman Po sana.
Kayo, mga kapatid kong "pageant
fans" sa "new generation" na ito, anu-ano ang inyong mga
kasagutan?